Sino nga ba si Marcos?
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos, o mas kilala bilang Ferdinand Marcos, ang ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ay ipinanganak noong ikalabing-isa ng Setyembre, taong 1917 sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang mga magulang ay sina Don Mariano Marcos at Josefa Edralin. Tinuring siya bilang pinakamatalinong Pangulo ng bansa, di lang sa akademiya, kungdi dahil na rin sa mga taktika na kanyang ginamit upang mapanatili siya sa puwesto sa loob ng halos dalawang dekada o dalangpung taon. Nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong pamantasan. Komandante ng Batalyon, may ranggo na kadete mayor at puno ng koponan ng riple at pistola ng Pamantasan ng Pilipinas. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis. Naakusahang nakipagsabwatan sa pagpatay kay Kinatawan Julio Nalundasan, kalaban sa pulitika ng ama noong 1938. Naging topnotcher sa bar examinations noong Nobyembre 1939. Ipinagtanggol ang sarili sa kasong pagpatay sa harap ng Korte Suprema na nagpawalang-sala sa kanya noong Nobyembre 1940. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasama sila sa Death March at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng giyera sa Fort Santiago at Capas, Tarlac. Naging tenyente rin siya na nangasiwa sa pangangalaga ng impormasyon, ika-21 sangay ng USAFFE. Tatlong beses nahalal na kongresista ng Ilocos Norte, (1949, 1953 at 1957). Sa edad na 32, siya ang pinakabatang miyembro ng kapulungang minorya. Senador (1959), ang kaunaunahang kandidato ng minorya na nanguna sa pagkasenador; pinuno ng kapulungang minorya, pangulo ng senado (1936). Pangulo ng Republika ng Pilipinas, (Nobyembre 1965). Pinasikat niya ang islogang “Magiging Dakilang Muli ang Bansang ito”.
Mga nagawa ni Marcos bilang Presidente ng Pilipinas
Unang termino:
Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyang tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan.
Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan)
Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyonna ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayosapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sapangasiwaangkanyang sinundan.
Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay'o "miracle rice'.
Pangalawang termino:
Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sapamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.
Pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge, Philcite at iba pa.
Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan.
Dapat nga ba ilibing si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani?
Isa ito sa mga pinaguusapan ng mga sambayanang Pilipino ngayon. Kung dapat nga ba mailibing si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani?
Sari-sari ang mga komento tungkol dito. Maraming tao ang nag sasasabi na hindi daw dapat na ilibing si Marcos sa libingan ng mga bayani dahil isa siyang dektador, lalo na yung mga tao na nakaranas ng pangaabuso ng mga sundalo at mga kapulisan. Meron din namang nagsasabi na isang bayani si Marcos dahil naging Presidente siya ng Republika ng Pilipinas.
Ayon pa sa ating Pangulo na si Rodrigo Duterte na "kuwalipikado upang mailagak ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga bayani dahil isa itong dating sundalo at Pangulo ng Pilipinas. Nakasaad pa rin sa batas na kahit hindi maituturing na bayani si Marcos naging isa pa rin itong sundalo."
Para sa mga biktima ng karahasan ng nagdaang Martial Law hindi katanggap-tanggap ang ganitong bagay. Nalabag ang kanilang mga karapatan, dumanas ng iba’t ibang pahirap, nawalan at namatayan ng mga mahal sa buhay.
Tanong ko lang, nararapat ba na ilibing si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani? O patuloy parin natin na gunitaan ang mga nangyayari sa ating nakaraan? O tayo ay magpapatuloy nalang sa ating mga buhay?
Kung may sagot ka, ilagay ang iyong komento sa ibaba.
No comments:
Post a Comment